Travel for FREE kahit may Covid-19? Pwedeng-pwede! Share ko sa inyo itong travel guide na ginawa ko habang naka-ECQ tayo. Iwas boredom. Iwas virus.
Travels ABROAD:
1. You can go chilling and resting as long as you want at bedROME . I-appreciate mo ang architecture habang nakatulala at nakatingin sa ceiling. Since may lockdown, you have all the time para mag-chillax. Very good yan sa ngayon. Walang labasan ng bahay.
2. Kung bet mo naman ang samgyup at mahilig ka sa mga K-Pop at KDrama, South KUSINA is the one for you. Unlimited samgyup while watching. Pwede pang may pop corn on the side.
Kung LOCAL Travels naman:
1. If medyo sporty ka at mahilig sa dagat, SALA Union ang perfect for you. Search ka sa YT ng vids then watch it there.
2. Kung medyo gusto mo naman ng pahinga during travels, yung tipong malayo sa work and you need a break, punta ka sa KWARTO Princesa. Relax lang. Muni-muni. Pwede mong hanapin ang sarili mo dun. Naks, soul searching.
3. Kung gusto mo naman ng relax lang din pero medyo malapitan lang, choose KWARTO Galera. Nakaka-relax din dun, pramis!
4. Now, if bet mo ng malamig at presko sa pakiramdam, go to BANYO City. Nakaka-refresh!
5. If trip mo naman na medyo lumayo pa, ituloy mo na sa rice TERRACE. Magpa-araw ng mga 30 minutes para healthy. Kausapin mo na rin yung mga plants. Wag lang masyadong malakas, ha? Baka isipin ng mga kapitbahay na baliw ka na dahil sa quarantine. Wag kang magbibigay ng hint. Hayaan mo lang silang mag-isip.
6. Kung ang gusto no naman ay mga pang-OOTD at selfie-selfie lang, go na sa HAGDAN-hagdan Palayan. Umawra at mag-pose ng bongga. Tapos post mo na sa sociale media accounts mo. Hashtag: ECQ. Hashtag: ParaparaanLang. Hashtag: SinongBored Hashtag: NotMe. Hashtag: ObviousBa.
7. Lastly, kung simpleng picnic lang ang gusto nyo with the whole family, my malapit lang na perfect place para dyan. Go lang sa LAMESA Dam. Tamang kwentuhan over breakfast, lunch, meryenda o dinner with the fam. Simple lang pero masaya!
So that’s it!
I hope masulit nyo ang House Tour habang nasa Enhanced Community Quarantine tayo. May na-miss ba ako? May suggestion pa ba kayo? Comment lang kayo.
Enjoy!
