Book review: Nanay, Nanay, Paano Maging Ina?

Nanay, Nanay, Paano Maging Ina?

Walang eksaktong sagot. Iyan ang totoo.

Kung gaano karami ang ating tawag sa ating mga nanay – Nanay, Mommy, Mama, Inang, Ina, Ma, Mom, atbp.- ganoon din karami ang sagot sa tanong na ito. Kung kaya naman ang karanasan ko bilang nanay sa pagpapalaki ng aking anak ay iba sa karanasan ng aking nanay noong ako ang kanyang pinapalaki kahit pa nga sabihing kami ay mag-ina.

Iba ang panahon, pagkakataon at mga sitwasyon na pinagdaanan namin kaya siguradong magkaibang ang aming estilo.

Pero paano nga ba maging ina? Napakahirap na tanong at sa king palagay, ang tanging makakasagot lamang dito ay ang mga karanasan ng ibang mga Nanay.

Ang e-book na “Nanay, Nanay, Paano Maging Ina?” ay isang napakagandang gabay para sa atin bilang mga nanay kung paano i-handle ang iba’t-ibang  pagsubok at hamon ng ating role hindi lang bilang isang ina kundi bilang isa ring anak, kaibigan, asawa at partner. Sa e-book na ito, buong tapang na ibinahagi ng ating mga kapwa nanay mula sa The Filipino Homemakers ang kanilang mga tunay na karanasan upang kapulutan natin ng aral.

Halina at sama-sama tayong maantig ang puso, kiligin, humugot, umiyak, bumangon at matuto mula sa pagbasa ng mga natatanging kwento mula sa puso sa “Nanay, Nanay, Paano Maging Ina?”

Maaari nyo rin itong mabasa sa http://thefilipinohomemakers.portfolio.ph sa halagang Php99.00 lang.

Ang “Nanay, Nanay, Paano Maging Ina?” ay isang e-book na may puso, may tapang at pag-asa. Ito ay isang natatanging babasahin para sa atin, mga ka-nanay.

#NatatangingKwento
#TheFilipinoHomemakers

Leave a Reply